GMA na-dehydrate

CEBU CITY— Na-dehydrate si Pangulong Arroyo matapos ma-expose nang husto sa init ng araw sa political rally sa Cebu City at Iloilo.

Dahil dito, hindi na nagawang siputin ng Pangulo ang miting de avance ng Team Unity sa lungsod na ito matapos siyang payuhan ng mga doktor na magpahinga na lang. Agad kinabitan ng dextrose ang Presidente para mapunan ang nawalang likido sa katawan. Hindi na rin nito sinipot ang miting de avance ng TU sa Iloilo kagabi at bumalik na ng Maynila. Nakipagkita naman kahapon sa Malacañang ang Pangulo sa OFW na si Sarah Dematera na pinalaya matapos makulong ng 15 taon sa Saudi Arabia. (Malou Escudero)

Show comments