Tinga ‘sabit’ sa travel ng teachers?
May 11, 2007 | 12:00am
Kinukuwestyon nga yon ng mga kritiko ni Taguig City Mayor Freddie Tinga ang pagpapadala ng ilang guro sa Singapore noong Abril o kulang-kulang isang buwan bago maghalalan.
Sinasabi ng mga kritiko na hindi nila maiwasang magduda dahil posibleng maugnay ito sa posibleng dayaan sa halalan sa Lunes.
Nabatid na pinagpapaliwanag ni Education Secretary Jesli Lapuz ang mga guro na bumiyahe.
Ayon kay Taguig Councilor Noel Dizon, dapat ipaliwanag din ni Tinga kung anu-ano ang ginawa ng mga guro sa Singapore noong Abril 22-25.
Kaduda-duda anya ang naturang junket.
"Wala naman kaming hinihingi kay Mayor Tinga kundi ang paliwanag dahil ako bilang konsehal at residente sa Taguig ay nagdududa rin kung bakit nagkaroon ng junket ang mga teachers na ito," sabi pa ni Dizon.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended