Sinasabi ng ilang tagamasid ng makaadministrasyong Team Unity na sa General Instruction for Board of Election Inspector ng Comelec (Section 45, Article 5), kung ang nakasulat sa balota ay pangalan ng dalawang magkatukayong kandidato, ang boto ay mapupunta sa kandidatong kasama sa partido ng ibang kandidatong nakasulat sa balota.
Pero kailangan umanong linawin ng Comelec ang naturang desisyon. "Paano kung tatlo o lima o walo lang ang pangalang nakasulat sa espasyo para sa mga senador at ang isa dito ay Aquino lamang pero lahat ng kasamahan ni Oreta sa TU ay nakasulat sa balota? Sinasabing ngayon pa lang ay nalilito na ang mga watcher ng dalawang Aquino at ilang mga miembro ng BEI.
Lumitaw ang naturang obserbasyon sa kampo ng TU dahil tinitiyak ng maraming lokal na lider ng pamahalaan tulad sa Mindanao at Visayas na makakakuha ito ng 12-0 boto sa halalan. (Gemma Amargo-Garcia)