Isusunod daw kay Binay: Peewee ipapaaresto!

Nakakatanggap umano ng mga banta na maaaresto si dating Pasay Mayor Wenceslao "Peeweee" Trinidad bago ang eleksyon sa Mayo 14.

Kumakalat na umano ang balita na siya na ang susunod na target pagkatapos ni Makati Mayor Jejomar Binay at ipalalabas na ang warrant of arrest laban sa kanya.

Ayon kay Trinidad na tumatakbo sa ilalim ng Genuine Opposition, sa kabila ng kanyang pagkakaalis sa puwesto, mukhang hindi pa rin siya tinitigilan ng administrasyon lalo pa at nangunguna ito sa mga isinagawang survey.

Naniniwala si Trinidad na ang mga balita ay nanggagaling sa kampo ng kanyang kalabang kandidato dahil patuloy ang suporta sa kanya ng mga residente ng Pasay kahit ano pang pamumudmod ng mga gamit at pakulo ang gawin nila.

Show comments