^

Bansa

P600M inutang ng Taguig?

-
Matapos ang kuwestiyunableng pagpapalabas ng P112 million pondo, isa pang mas malaking pondo ang pinagdududahan ngayon sa Taguig City nang kuwestiyunin naman ang diumano’y pagpapalabas ng isa pang pondo na umaabot naman sa P600 million.

Ayon kay Konsehal Noel Dizon, minority floor leader ng Sangguniang Panglungsod, kung dapat sagutin ni Tinga ang isyu ng P112 million na inutang sa Land Bank of the Philippines, dapat ay ipaliwanag din ng kanilang alkaldeng si Freddie Tinga ang umano’y pangungutang pa ng hiwa lay na P600 million para sa proyekto sa pabahay.

Sinabi ni Dizon na Disyembre pa lang ng nakalipas na taon ay "niluluto" na umano ang naturang pangungutang at kung totoo ang natanggap nilang impormasyon, na-railroad ang pagpapalabas ng isang ordinansa nito lamang taong 2007. Ang utang na ito ay may basbas umano ng mayorya sa konseho.

"Ang ipinagtataka namin ay bakit binigyan pa ng blanket authority si Mayor Tinga sa pangungutang na ito? Saan nila gagamitin ang pondo? Ngayong eleksiyon? Dapat sumagot si Mayor dito," dagdag pa ni Dizon. (Butch Quejada)

BUTCH QUEJADA

DIZON

FREDDIE TINGA

KONSEHAL NOEL DIZON

LAND BANK OF THE PHILIPPINES

MAYOR TINGA

SANGGUNIANG PANGLUNGSOD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with