Maralita ng Palawan niyakap si ‘Tol Mike

Nagkaisa ang 86 na lider ng iba’t ibang people’s organization sa Palawan na kabigkis ng multisektoral na Alyansa ng Maralitang Taga-lungsod at Taga-nayon sa Palawan nang yakapin nila ang kandidatura ni Team Unity senatorial candidate ‘Tol Mike Defensor. Ang AMAT-PA ay kumakatawan sa mahigit 200,000 organisadong miyembro mula sa hanay ng mga maralita, mangingisda, magsasaka at katutubo ng Palawan. Sa malaking pagtitipon ng AMAT-PA kamakailan sa naturang probinsya, sinuportahan nito si Defensor dahil sa pagsusulong nito ng mga proyekto para sa maralita noong siya pa ang tagapangulo ng Housing and Urban Development Coordinating Council. (Marilou Escudero)

Show comments