Transparency pinaboran

Pinaboran ni Team Unity senatorial candidate Prospero Pichay ang pagkakaroon ng "transparency" o ang pagiging bukas sa pub liko ng buhay ng mga halal na opisyal ng bansa. Idiniin ito ni Pichay sa pagdalo niya sa programang "Isang Tanong" ng GMA 7 na dinaluhan din ng ibang kandidato sa pagka-senador. Gayunman, nanawagan si Pichay sa mga mamamahayag na mag-ingat sa paglalantad sa publiko ng buhay ng mga pribadong tao. May karapatan anya ang isang indibidwal sa pribado niyang buhay at hindi ganap ang kalayaan sa pamamahayag. (Butch Quejada)

Show comments