^

Bansa

Senior citizens ilibre na sa VAT

-
Nanawagan ang party list group na Alliance of Neo-Conservatives (ANC) na gawing exempted na ang mga nakatatanda sa value added tax (VAT).

Ayon sa tagapagsalita ng ANC na si Arnold Obina, nanilbihan sa bansa at tumulong sa ekonomiya ang mga nakatatanda noong sila ay mas aktibo pa.

Ang Seniors Citizens Act ay isinabatas upang pangalagaan ang karapatan ng mga nakatatanda at mabigyan sila ng karampatang mga pribilehiyo. Kabilang dito ang 20 porsyentong diskwento sa gastusin sa gamot at iba pang pangangailangan.

"Subalit ang ginagawa ng maraming negosyo ay kinakaltas ang 12 percent VAT sa 20 percent senior citizen discount, kaya’t walong porsyento na lang ang nagiging diskwento," paliwanag ni Obina.

Nawawalan anya ng saysay ang senior citizen discount, gayong marami sa mga nakatatanda ang umaasa sa diskuwento kapag sila ay bumibili ng gamot at pagkain.

vuukle comment

ALLIANCE OF NEO-CONSERVATIVES

ANG SENIORS CITIZENS ACT

ARNOLD OBINA

AYON

KABILANG

NANAWAGAN

NAWAWALAN

OBINA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with