^

Bansa

P112-M basura scam sa Taguig sumingaw

-
Saan na napunta ang P112 milyong inutang umano ng pamahalaang-lunsod ng Taguig mula sa Land Bank of the Philippines para sa isang proyekto sa basura?

Ito ang kinuwestyon kamakailan ni Taguig Sangguniang Panlunsod minority floorleader Noel Dizon na nagsabing dapat ipaliwanag ni Mayor Freddie Tinga kung saan napunta ang naturang pondo dahil wala naman anyang nahahakot na basura sa lunsod bukod sa baon na ito sa utang.

Bukod anya kay Tinga, dapat ring magpaliwanag sina Vice-Mayor George Elias, at dating mga konsehal at ngayon ay tumatakbong congressman na sina Jun Duenas at Arnel Mendiola Cerafica dahil kasabwat umano sila sa nasabing alingasngas.

Pinuna ni Dizon na kaduda-duda ang pagbigay ng konseho ng blanket authority kay Tinga para sa paggamit ng pondo dahil tumatakbo itong muli sa pagka-alkalde ng lungsod. Si Elias ay humihingi rin ng isa pang termino sa pagka-Bise-Mayor.

Nilinaw ni Dizon na walang bahid pulitika ang pagkuwestiyon niya sa naturang pondo dahil hindi siya kumakandidato ngayon. (Butch Quejada)

ARNEL MENDIOLA CERAFICA

BUTCH QUEJADA

DIZON

JUN DUENAS

LAND BANK OF THE PHILIPPINES

MAYOR FREDDIE TINGA

NOEL DIZON

SI ELIAS

TAGUIG SANGGUNIANG PANLUNSOD

TINGA

VICE-MAYOR GEORGE ELIAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with