Jinggoy for President sa 2010?
May 7, 2007 | 12:00am
Pinaghahandaan na raw ni Sen. Jinggoy Estrada ang pagtakbo sa pagka-pangulo ng Pilipinas sa 2010 at kasama sa plano ang "siluin" ang panguluhan ng Senado at gamitin itong instrumento para sa kandidatura bilang presidente ng Pilipinas.
Ito umano ang planong inihahanda ngayon pa lang para kay Sen. Estrada ng mga political strategists ni dating Pangulong Joseph Estrada sa isang nakakaintrigang pakulo na pinanga lanang Oplan Jingle Bells.
Sinasabing ang Oplan Jingle Bells ay brainchild mismo ng dating pangulo at tinawag nito ang kanyang pinakamalapit na advisers upang siyang mag-isip ng mga detalye nito.
Ayon sa impormante, ang miting ng grupo ay ginawa sa Tanay noong Pebrero at inaprubahan umano ni Erap ang mga pinal na napagkasunduan.
Ang plano ay nakasentro umano sa pag-alok ng ayudang pinansiyal sa mga kandidato hindi lang ng oposisyon kundi gayundin sa Team Unity, lalo na doon sa mga hirap nang makakuha ng panustos sa kanilang kampanya. Bilang kapalit, ang mga ito ay dapat sumuporta kay Jinggoy bilang Senate president.
Kasama umano sa mga inalok ng tulong sina Alan Peter Cayetano, Aquilino "Koko" Pimentel, Sonia Roco, Chiz Escudero at dating senador John Osmeña ng GO at sina Migz Zubiri, Ed Angara, Tito Sotto at Mike Defensor ng Team Unity at maging ang independent na si Gringo Honasan.
Samantala, hinihinala naman na ang ginawang pag bubulgar ay maaari umanong sinadya upang maghasik ng gulo sa hanay ng mga aspirante sa pagiging presidente ng Senado na ipinalalagay na mga karibal ni Jinggoy. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended