Sa Pulse Asia survey na isinagawa mula Abril 21-25, nasa ranggong 15-21 si Pichay na may voting preference na 24 porsiyento, isang napakabilis na pag-angat ng 4.2 percent mula sa dating survey ng Pulse Asia mula Abril 3-5 kung saan naitala ang 19.8% upang marating niya ang ranking na 19-22 puwesto.
Mas kapansin-pansin kung ito ay ihahambing sa naunang survey mula Enero 25-30 na naglagay sa kanya sa 34-51 na may voting preference lamang na 5.6%.
Tiwala ang mambabatas mula sa Surigao del Sur na sa pinag-ibayo niyang pangangampanya ay malalagpasan pa niya ito pagdating ng ikalawang linggo ng Mayo. (Butch Quejada)