Loren bumabandera sa foreign survey
May 1, 2007 | 12:00am
Ilang linggo bago mag-eleksyon ay bumandera pa si Genuine Opposition senatorial candidate Loren Legarda sa isang survey ng isang foreign-based polling firm sa lakas ng 64 porsiyentong boto ng survey respondents sa buong bansa.
Sa pangunguna ni Legarda na isang taon nang nangunguna sa ibang mga survey ng Social Weather Station, Pulse Asia at Ibon Facts and Figures, kinopo ng GO ang unang apat na puwesto sa tinatawag na Magic 12.
Malaki nang 13 porsiyento ang lamang ni Legarda sa pumapangalawa sa kanya na si Manny Villar na ayon sa mga statistician ay katumbas ng mahigit limang milyong boto sa aktuwal na botohan.
Ayon sa mga eksperto, kung nagrarambulan man ang iba pang mga kandidato sa loob ng Magic 12, hindi natitinag at, bagkus, lumalaki pa ang kalamangan ni Legarda sa mahigit na 12 survey mula pa noong 2006. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest