Abalos vows to release teachers’ allowance before polls
May 1, 2007 | 2:08pm
Mas makabubuting manahimik na lamang ang mga pulitiko na hindi sang-ayon sa Comprehensive Land Reform Program ng gobyerno upang pangalagaan ang interes ng kanilang mga tagapagtaguyod sa hanay ng mga mayayamang haciendero.
Ito ang naging payo ng partylist na Alliance for Rural Concerns kasunod ng pahayag nina Senatorial candidate Joker Arroyo at Tessie Aquino Oreta ng Team Unity at John Osmeña ng Genuine Opposition na dapat umanong tigilan ang pag-iisyu ng pahayag na nagpapakita lamang ng kanilang kawalang pakialam sa kalagayan ng mga kawawang magsasaka sa bansa.
Sinabi ni ARC convenor Steve Quiambao na ang iresponsableng pahayag mula sa ilang pulitiko upang makakalap lamang ng tinatawag na “pogi points” sa kanilang kampanya ay hindi naaayon sa kanilang sinumpaang adhikain na papagyamanin ang kalagayan ng mga mahihirap sa bansa.(Butch Quejada)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended