Ibinulgar ni Team Unity senatorial candidate Luis “Chavit” Singson ang umano’y sabwatan sa pagitan ng Social Weather Station (SWS) at Genuine Opposition (GO) upang ipagkalat na magkakaroon ng dayaan upang bigyang katuwiran ang napipintong pagkapanalo ng TU sa May 14 elections.
Ayon kay Singson, ang naturang panunulsol sa mamamayan na mandaraya ang administrasyon sa May 14 ay isang “mother of statistical fabrication” na gumagamit ng mapanlinlang na mga tanong sa kagustuhang makakuha ng kasagutang laban sa administrasyon. Ang tumitinding pagsuporta ng mga botante sa mga kandidato ng TU sabi ni Singson ay hindi mapapasinungalingang katibayan na hindi sa mamamayan nagbuhat ang hakang dayaan sa May 14 na inimbento ng SWS at GO.
Binanggit ni Singson na sa pinakahuling survey ng SWS, lumitaw na limang kandidato ng TU ang tiyak na panalo. (Malou Escudero)