Late journalist’s son missing

Magsasanib ng pu­wersa ang Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines para masugpo ang su­nod-sunod na political killings dahil sa nalalapit na May 2007 election.

Ang pagsasanib ng PNP at AFP ay bunsod na rin sa panawagan ni Pa­ngulong Arroyo na mag­sanib puwersa na ang pulis at sundalo para hindi na masundan pa ang pagdanak ng dugo dahil sa walang humpay na patayan ng magkaka­labang pulitiko na nag-aagawan sa puwesto.

Binalaan ng Pa­ ngu­lo ang mga kandidato na sundin ang batas para maiwasan ang tensyon.

Inutos din ng Pangulo sa AFP na tulungan ang PNP sa pagsasagawa ng mga checkpoint sa loob ng 24 oras at pitong araw kada linggo. (Edwin Bala­sa/Malou Escudero)

Show comments