^

Bansa

Jueteng money vs Vilma

- Butch M. Quejada -
Ibinunyag ng isang obispo ang planong gu­ mamit ng pera mula sa sugal na jueteng para pataubin ang aktres at Lipa City Mayor na si Vilma Santos na kuma­kandidato ngayong gober­nador sa Batangas.
“Binabaha na ng pera mula sa jueteng ang lala­wigan ng Batangas nga­yong kampanya para sa nalalapit na halalan,” ayon kay Lipa Bishop Ramon Arguelles.
Sinabi ni Arguelles na ang pagkalat ng jueteng money ay ibinunyag sa isang sulat sa kanya noong nakaraang Linggo ng isang kamag-anak ni Batangas Governor Ar­man Sanchez na nagpa­kilala sa pangalang Car­pio. Sinasabi ni Carpio na gagamitin umano ang jueteng money para ipan­laban sa kandidatura ni Santos.
“Isang araw pagkata­pos magdeklara si Mayor Vilma ng kanyng kandida­tura bilang gobernador, agad nagpatawag si Gov. Sanchez ng isang pulong sa kanyang mansion sa Barangay Sta. Ana,” sabi ni Carpio sa kanyang su­lat. “Pinag-usapan sa pu­long ang tinatawag niyang Plan B na may kinalaman sa mga hak­bang para talunin si Santos.”
Binanggit pa ni Carpio na inaamin ni Sanchez na tagilid ito kay Santos kaya binalangkas ang Plan B na, rito, ilulunsad ang ma­lawakang panunuhol sa pamamagitan ng pondo ng jueteng para masiguro ang panalo ng reelek­syunistang gobernador.
Sa pagdedetalye ni Carpio sa suhulan, P5 mil­yon umano ang gagamitin para paatrasin ang isa pang kandidatong gober­nador na si Nestor Sana­res. 
Kaugnay pa nito, P1 milyon naman ang ilalaan para sa regional director ng Philippine National Police at kalahating milyon para sa provincial director ng PNP para magbulag-bulagan ang mga ito sa paglaganap ng jueteng sa Batangas.
Balak din umano ni San­chez na bayaran ng tig-P20,000 ang mga watcher ni Santos para bumaligtad at pumanig sa kanya.

vuukle comment

BARANGAY STA

BATANGAS

BATANGAS GOVERNOR AR

CARPIO

PARA

PLAN B

SANCHEZ

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with