‘Juju’ Cayetano laglag sa Comelec drug test
April 30, 2007 | 12:00am
Malamang ay tuluyan nang madiskuwalipika ang kontrobersiyal na kapangalan ni Genuine Opposition (GO) senatorial candidate Alan Cayetano na si Joselito Pepito ‘Juju’ Cayetano matapos mabunyag na hindi ito nakatugon sa ibinigay na deadline ng Commission on Elections (Comelec) hinggil sa pagsusumite ng kanyang drug test noong Marso 29.
Nabatid na Marso 29 ang itinakdang deadline ng Comelec para sa mga senatorial candidates, ngunit Marso 30 na umano nang makapagbigay ng kanyang ‘drug test result’ ang isinukang kandidato ng Kilusang Bagong Lipu nan.
Ayon sa kanya, naniniwala pa rin siyang mabibigyan ng patas na desisyon ng Comelec ang inihain niyang ‘disqualification case’ laban kay Juju dahil sa pagiging independiyente ng nasabing ahensiya.
Nag-aalala si Alan Cayetano na ngayong halos dalawang linggo na lamang bago ang May 14 senatorial at local elections, dapat ay tuluyang maibasura ang kandidatura ni Juju upang mabura na rin ito sa ‘master list’ ng pangalan ng kandi dato sa pagkasenador na siyang inilalagay sa bawat presinto sa araw ng eleksiyon.
Muli namang nakiusap si Alan Cayetano sa kanyang mga supporters na sana ay Alan Cayetano na lamang ang isulat sa balota at huwag nang lagyan ito ng Peter dahil ito rin ang ginagamit na palayaw ni Joselito Pepito Cayetano, gayung kilala siya ng kanyang mga kaibigan at kamag-anak sa pangalang Juju.
Si Juju ay isang kargador sa Pier at duda ang mga kababayan nito sa Davao kung ano ang magagawa nito sa Senado sakaling makatsambang manalo. (Butch Quejada)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest