Trillanes pinabubulok sa selda
April 28, 2007 | 12:00am
Nangangamba ang mag-asawang Dutch national sakaling mapalaya si Go senatorial candidate Lt. Senior Grade Antonio Trillanes IV dahil baka umano sila buweltahan ng mga ito sa pagbubunyag nila ng tunay na pangyayari sa nabigong Oakwood mutiny.
Sinabi ni Anastacia Santarin na ang pagpapalaya kay Trillanes sa pamamagitan ng pagbayad ng piyansa tulad ni dating Sen. Gringo Honasan ay hindi lamang banta sa pambansang seguridad kundi magsasapanganib din sa kanilang buhay dahil sa pagbubunyag nila sa mga kasinungalingan ni Trillanes nang sabihin nito na ang Oakwood siege ay biglaan at hindi pinaghandaan.
Sinabi ni Santarin na ang bahay sa Gloria V subd., Bgy. Talipapa, QC na nilusob ng PNP-NCR matapos ang Oakwood mutiny noong July 2003 ay pag-aari nila subalit pinalayas umano sila ng isang Estella Pabalan na kasosyo naman umano sa negosyo ni Trillanes. Sa naturang bahay ay nakasamsam ng mga bala at pampasabog na nagpapahiwatig na pag-aari umano ni Trillanes.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended