Sinabi ni Bulan, Maguindanao Mayor Jong Mangudadatu na mainit ang suporta nila kay Pichay dahil siya ang nakikita ng mga Mindanaoan na magiging boses nila sa Senado dahil sa karanasan nito at sa ipinakitang galing sa Kongreso.
Para kay Sarangani Governor Migz Dominguez, si Pichay ay patnubay na makakatulong nang malaki sa pag-unlad ng Mindanao.
Kabilang sa sumusuporta kay Pichay ang Pro-Pinoy movement, Mindanao Muslim Professionals, Transport Federation of Cagayan de Oro, Royal Sultanates of Lanao at CDO Muslim Association.