Iginiit ng dalawang grupo ang pagpapawalambisa sa Comelec resolution no. 7-0724 na nagbabawal sa mga kandidatong partylist na ilantad ang pangalan ng mga nominado nitong kinatawan.
Ayon kay Akbayan Rep. Etta Rosales, ang karapatan ng mga botante ang mapipinsala kung hindi ipapalabas ng Comelec ang mga nominado ng mga partylist bago maghalalan kaya kinakailangan nang makialam ang Hukuman.
Nilinaw pa ni Rosales na ang nominee ng partylist ang kakatawan sa kanilang marginalized sector kaya karapatan ng publiko na malaman kung sino ang kanilang nominees.
Ang boto anya sa isang grupo ay boto rin sa nominado nito na kakatawan sa grupo sa Kongreso kaya isang pampublikong interes na malaman kung sino-sino ang mga ito. (Rudy Andal)