^

Bansa

SC pasok sa partylist

-
Hiniling kahapon ni dating Senate President Jovito Salonga ng Kilos-Bayan foundation at ng Akbayan sa Supreme Court na atasan nito ang Commission on Elections na ilantad ang mga pangalan ng mga nominadong kinatawan ng mga kandidatong partylist sa Kongreso.

Iginiit ng dalawang grupo ang pagpapawalambisa sa Comelec resolution no. 7-0724 na nagbabawal sa mga kandidatong partylist na ilantad ang pangalan ng mga nominado nitong kinatawan.

Ayon kay Akbayan Rep. Etta Rosales, ang karapatan ng mga botante ang mapipinsala kung hindi ipapalabas ng Comelec ang mga nominado ng mga partylist bago maghalalan kaya kinakailangan nang makialam ang Hukuman.

Nilinaw pa ni Rosales na ang nominee ng partylist ang kakatawan sa kanilang marginalized sector kaya karapatan ng publiko na malaman kung sino ang kanilang nominees.

Ang boto anya sa isang grupo ay boto rin sa nominado nito na kakatawan sa grupo sa Kongreso kaya isang pampublikong interes na malaman kung sino-sino ang mga ito. (Rudy Andal)

AKBAYAN

AKBAYAN REP

AYON

COMELEC

ETTA ROSALES

KONGRESO

RUDY ANDAL

SENATE PRESIDENT JOVITO SALONGA

SUPREME COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with