Dalawa sa mga nasawi ay nakilaslang sina Elmer Dechavez at kapatid nitong si Melchor, nasa hustong gulang at pawang mga tagasuporta ni Sariaya Mayoralty candidate Connie Doromal habang sa kasalukuyan ay inaalam pa ang pagkakakilanlan ng iba pa.
Sa inisyal na ulat na natanggap sa Camp Crame, naganap ang insidente pasado ala-1:00 ng hapon sa loob ng Sariaya Cockpit arena.
Bumibili ng makakain ang isa sa biktimang si Elmer sa tindahan sa loob ng sabungan nang lapitan ng tatlong armadong kalalakihan at bigla na lang pagbabarilin.
Agad namang rumesponde ang kapatid nitong si Melchor upang tulungan ang kapatid at nakipagbarilan sa mga suspek.
Si Melchor ay nasawi sa lugar ng insidente habang ang kapatid nitong si Elmer ay idineklarang dead-on-arrival sa pinagdalhang pagamutan.
Hindi naman nilinaw sa ulat kung ang tatlong suspek ay kabilang sa nasawi o pawang mga bystander na nadamay sa naganap na shootout.
Sinisisi naman ng local na pulisya ng Sa-riaya ang pamunuan ng nasabing cockpit arena dahil sa kabila ng paghihigpit dahil sa Commission on election gun ban na ipinatutupad sa bansa ay nakalusot pa rin ang mga baril ng magkabilang panig. (Edwin Balasa)