AFP binalaan ng GO sa pandaraya
April 23, 2007 | 12:00am
Binalaan ni Genuine Opposition (GO) Deputy Campaign Manager at San Juan Mayor Joseph Victor "JV" Ejercito ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na huwag magpapagamit sa pandaraya sa May 14 elections.
"That is a violation of the Omnibus election code, the AFP should be apolitical," ani Ejercito na sinabi pang hindi na dapat na maulit ang "Hello Garci" noong 2004 elections.
Ang reaksyon ay ginawa ni Ejercito sa likod na rin ng mga balitang may kumakalat umanong mga voting forms sa mga kampo ng militar sa Mindanao Region na may naka-fill up ng mga pangalan ng mga senatoriables mula sa kanilang mga kalaban sa Team Unity.
Ang nasabing voting form ay kailangan na lamang umano ng lagda ng mga sundalo. Sinabi ni Ejercito na bilang isang demokratikong bansa ay dapat na protektahan ng AFP ang interes ng mga botante
Ayon naman kay GO spokesman Atty. Adel Tamano, sakaling totoo ang nasabing balita ay lubha itong nakakaalarma.
Sinabi nito na nakahanda ang GO na gawin ang lahat ng kanilang makakaya upang protektahan ang boto ng mga botanteng Pinoy.
Aminado naman ito na kailangang maging vigilante ang lahat dahilan hindi kakayanin ng oposisyon kung sila lamang ang magbabantay sa kasagraduhan ng mga balota.
Sa kasalukuyan ay puspusan naman ang campaign sortie ng GO bets dahil nalalapit na ang May polls kung saan susuyurin naman ng mga senatoriables nito ang Cebu at Bohol sa susunod na linggo. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest