Sa petisyong inihain sa Commission on Elections, sinasabi ng Abakada Guro party list na ang naturang listahan ay paglabag umano sa probisyon ng Konstitusyon na nagtatakda sa paghihiwalay ng kapangyarihan ng Simbahan at Estado.
Ayon kay Abakada Guro president Samson Alcantara, hindi maituturing na credible at kusang loob ang ginawang pagboto ng mga tagasunod ng El Shaddai kung susundin lamang nito ang ieendorso sa kanila ni Velarde.
Sinabi ni Alcantara na hindi masasabing malaya at kapani-paniwala ang halalan kung ang boto ng mga botante ay ginawa nang dahil sa impluwensya o endorso ng isang religious leader.
Marapat lamang anya na kumilos ang Comelec at magpalabas ng batayan hinggil sa naturang isyu.
Iginiit pa ni Alacantara na ang panghihimasok ng mga lider-relihiyoso sa mga usaping pulitikal ay naglalagay sa alanganin sa tiwala ng publiko sa proseso ng eleksyon sa bansa. (Mer Layson)