Pichay boses ng Mindanao sa Senado
April 21, 2007 | 12:00am
Ipinangako ng halos lahat ng lider sa Mindanao ang panalo ni Team Unity senatorial candidate Prospero Pichay Jr. upang matiyak na mabibigyan ng kasagutan ng mambabatas ang problema ng buong isla.
Sa pagpupulong sa Maynila, inihayag ng mga lider-Mindanao sa pangunguna ni Misamis Oriental Rep. Jun Baculio at ilang mayors na ikakampanya nila si Pichay.
Dahil sa experience, sapat na kuwalipikasyon at malalim na kaalaman sa probinsiya ay magagawa umano ni Pichay na maisulong ang mga importanteng lehislasyon na tutugon sa mga problema at pangangailangan ng mga taga-Mindanao.
Sinabi pa ni Baculio na bilang isang kongresista, nagawa nitong maisulong ang kaunlaran sa kanyang distrito, nakapagpagawa ng mga major infrastructure projects at nakapagpatupad ng mga anti-poverty programs para maiangat ang kabuhayan ng mga residente ng naturang probinsiya. (Butch Quejada)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest