Liga ng mga Barangay head kinasuhan
April 21, 2007 | 12:00am
Sinampahan ng kasong katiwalian ng siyam na barangay chairman buhat sa lalawigan ng Marinduque ang pangulo ng Liga ng mga Barangay na si James Marty Lim dahil sa umano’y iligal niyang pagkaltas ng P744 sa kanilang P10,744 na parte sa Local Government Service Equalization Fund noong 2004.
Sa naturang demanda na isinampa noong Abril 11, sinabi ng mga barangay chairman sa Gasan, Marinduque na sinulatan na nila si Lim para pagpaliwanagin ito sa pagkaltas ng naturang halaga pero hindi umano ito sumagot.
Ipinaliwanag ng mga chairman kay provincial prosecutor Edgado Balquiedra na halagang P10,744 ang inilabas ng Department of Budget and Management (DBM) noong 2004, subalit P10,000 lamang umano ang kanilang natanggap habang nawawala ang butal na P744. (Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest