^

Bansa

Family visa tatanggalin ng US

-
Binabalak ni US Pres. George W. Bush na tang galin na o ipawalambisa ang lahat ng family-based immigrant visa bilang bahagi ng reporma sa batas sa imigrasyon ng Amerika o Immigration Reform and Control Act of 1986.

Apektado ng naturang plano ang mga Pilipinong naninirahan sa Amerika na nagpepetisyong mapatira sa US ang mga miyembro ng kanilang pamilya na nasa Pilipinas.

Kung dati-rati naghihintay nang lima hanggang 20 taon ang mga Pilipinong may mga kamag-anak sa US para makapanirahan doon, ngayon ay tuluyan nang tatanggalin ang pribilehiyong ito sakaling maisakatuparan ang plano ng administrasyong Bush.

Ayon sa isang ulat, ang humihigpit na mga patakaran ng White House ay taliwas sa House Resolution 1645 na naglalayong mabawasan ang bilang ng mga green card holder o residente ng US na nagpepetisyon na mapatira roon ang mga asawa o anak nilang nasa ibang bansa.

Nagbabala si National Alliance for Filipino Veterans Equity Executive Director Jon Melegrito na magkakaroon ng malubhang implikasyon ang hakbang ni Bush sa Filipino-American community at sa kanilang pamilya sa Pilipinas.

Sabi naman ni Stephen Legomsky ng Washington University School of Law, lalo lang mag-iimbita ng illegal immigrant ang naturang patakaran.

Kaugnay nito, lalahok ang mga Filipino-American sa rally ng mga immigrant sa Mayo 1 para kondenahin ang patakaran ni Bush.

Sinabi naman ni Ro zita Lee, vice chair ng National Federation of Filipino-American Association na mas dapat pa ngang iklian ang panahon sa mga petisyon sa visa at pagpapapunta rito sa Amerika ng kanilang mga kamag-anak na nasa Pilipinas.

AMERIKA

FILIPINO VETERANS EQUITY EXECUTIVE DIRECTOR JON MELEGRITO

FILIPINO-AMERICAN

GEORGE W

HOUSE RESOLUTION

IMMIGRATION REFORM AND CONTROL ACT

NATIONAL ALLIANCE

NATIONAL FEDERATION OF FILIPINO-AMERICAN ASSOCIATION

PILIPINAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with