Ayon kay Cong. Guillermo P. Cua ng Coop-NATCCO, habang walang epektibong programa para lutasin ang mga ugat na ito ng rebelyon, hindi mawawala ang isyu ng seguridad.
Naniniwala ang grupo na malaki ang naitutulong ng kooperatiba para mabigyan ng tugon ang ilan sa pangangailangan ng ating mahihirap na kababayan. Sa pagtutulungan ng mga miyembro, ang konting yaman ng bawa’t miyembro ay naiimpok at nasisinop para maging puhunan sa pangkabuhayan. Ang kooperatiba din ay nakapagpapatupad ng programa para sa ikabubuti ng kalusugan at edukasyon ng mga miyembro.
Naniniwala ang partido na ang kooperatiba ay isang epektibong sagot sa isyu ng kahirapan at kawalan ng hanapbuhay, lalo na sa kanayunan, madiing pagtatapos ni Cong. Cua.