Sa ipinalabas na statement ng Palasyo, walang puwang sa demokrasya na nagtataguyod sa malayang pamamahayag ang ginawang pag-atake sa dalawang newsmen.
Ipinag-utos na ni Pangulong Arroyo sa mga local enforcement agencies sa Lucena City ang mabilis at malalimang imbestigasyon upang malaman kung sino ang gustong magpapatay sa dalawang journalists.
Kaugnay nito, sinabi naman ni Team Unity senatorial candidate Ralph Recto na dapat tiyakin ng pulisya ang seguridad ng mga mamamahayag dahil sa malaking papel na ginagampanan ng mga ito sa halalan.
Dapat aniyang masiguro ang kaligtasan ng mga mamamahayag na nagpaparating sa mga mamamayan ng kabulukan ng ilang pulitiko lalo na sa mga probinsya.(Malou Escudero/Joy Cantos)