Ang income tax ay depende sa tax status ng manggagawa subalit ang kinakaltas ay umaabot ng 12-25 porsyento ng kanyang kita sa loob ng isang taon.
"Kapag exempted na sa income tax, ang isang pamilya ay magkakaroon ng pagkakataon na matustusan ang kanilang pangangailangan sa kalusugan, edukasyon at mga pangaraw-araw na pangangailangan," paliwanag ni TUCP spokesman Alex Aguilar.
Kadalasan, ang mahihirap na pamilya ay mayroon lamang isang nagtatrabaho at tumatanggap ng daily minimum wage na P350 o mas mababa pa, at lalong pinabababa ng income tax. (Butch Quejada)