^

Bansa

100% tax exemption giit ng TUCP

-
Igigiit ng party list group na Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) ang tax exemption ng mga manggagawang kumikita ng P15,000 o mas mababa pa kada-buwan upang madadagdagan naman ang take home pay ng mga ito.

Ang income tax ay depende sa tax status ng manggagawa subalit ang kinakaltas ay umaabot ng 12-25 porsyento ng kanyang kita sa loob ng isang taon.

"Kapag exempted na sa income tax, ang isang pamilya ay magkakaroon ng pagkakataon na matustusan ang kanilang pangangailangan sa kalusugan, edukasyon at mga pangaraw-araw na pangangailangan," paliwanag ni TUCP spokesman Alex Aguilar.

Kadalasan, ang mahihirap na pamilya ay mayroon lamang isang nagtatrabaho at tumatanggap ng daily minimum wage na P350 o mas mababa pa, at lalong pinabababa ng income tax. (Butch Quejada)

ALEX AGUILAR

BUTCH QUEJADA

IGIGIIT

INCOME

ISANG

KADALASAN

KAPAG

TAX

TRADE UNION CONGRESS OF THE PHILIPPINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with