Sa kanilang sulat, pinuri ng Alliance for the Family Foundation Philippines (ALFI) si Biazon sa kanyang pagsisikap na maipasa ang bill.
Sa kanyang bill, sinabi ni Biazon na ang lahat ng mga nagnanais na mag-aplay ng marriage license ay kailangang sumailalim sa marriage counseling mula sa isang pari, imam, minister o isang marriage counselor.
Ayon sa ALFI, sang-ayon sila kay Biazon na ang ligalisasyon ng divorce ay makakasira sa kabanalan ng kasal.
Sinabi ni Biazon na ang kanyang mga kasama sa Kamara ay dapat pagsikapan na protektahan ang pamilya at kasal.
"Ang divorce na sinasabing makakagamot sa mga may suliranin bilang mag-asawa ay hindi totoo. Bagkus, ito ay makakasira lamang sa pamilya," wika ni Biazon. (Butch Quejada)