^

Bansa

Pamilya at kasal protektado ng House bill ni Rep. Biazon

-
Pinuri ng isang pro-life organization si Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon sa kan yang ginagawa na patatagin ang pamilya at kasal sa pamamagitan ng kanyang House bill na magbibigay ng "mandatory marriage counseling" sa mga nagnanais na magpakasal.

Sa kanilang sulat, pinuri ng Alliance for the Family Foundation Philippines (ALFI) si Biazon sa kanyang pagsisikap na maipasa ang bill.

Sa kanyang bill, sinabi ni Biazon na ang lahat ng mga nagnanais na mag-aplay ng marriage license ay kailangang sumailalim sa marriage counseling mula sa isang pari, imam, minister o isang marriage counselor.

Ayon sa ALFI, sang-ayon sila kay Biazon na ang ligalisasyon ng divorce ay makakasira sa kabanalan ng kasal.

Sinabi ni Biazon na ang kanyang mga kasama sa Kamara ay dapat pagsikapan na protektahan ang pamilya at kasal.

"Ang divorce na sinasabing makakagamot sa mga may suliranin bilang mag-asawa ay hindi totoo. Bagkus, ito ay makakasira lamang sa pamilya," wika ni Biazon. (Butch Quejada)

vuukle comment

AYON

BAGKUS

BIAZON

BUTCH QUEJADA

FAMILY FOUNDATION PHILIPPINES

KAMARA

MUNTINLUPA REP

PINURI

RUFFY BIAZON

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with