^

Bansa

32 patay sa campus shooting

-
Isang gunman ang walang habas na namaril at nakapatay ng 32 mga estudyante at guro sa isang unibersidad sa Blacksburg, Virginia sa itinuturing na pinakamalalang campus shooting sa kasaysayan ng Amerika.

Ang suspek na mukhang Asyano at nakabihis ng boy scout ay armado ng isang kalibre .22 baril at isang 9mm ng pasukin ang dormitory ng Virginia Tech campus dakong alas-7:15 ng umaga kung saan isang guro at estudyante na noo’y nagka-klase ang agad napatay saka pinaputukan ang iba pang mga mag-aaral.

Makalipas ang 2 oras, tinungo ng suspek ang engineering school malapit sa dormitory sa first floor saka umakyat sa 2nd floor. Ikinandado ng gunman ang mga pintuan bago pinagbabaril ang lahat ng mga estudyanteng nasa klase. Labing-lima katao ang nasugatan, kabilang ang mga nabaril at mga estudyanteng tumalon mula sa mga bintana. Bago pa man makorner ng mga pulis ay nagbaril na ang suspek.

vuukle comment

AMERIKA

ASYANO

BLACKSBURG

IKINANDADO

ISANG

LABING

VIRGINIA TECH

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with