Reaksiyon ito sa ibi nunyag ni GO spokesman Adel Tamano na nagbigay ng pabor ang Speaker sa mga lokal na opisyal para matalo ang kanyang kalaban na si Dagupan City Mayor Benjie Lim, tumatakbo sa pagka-kongresista.
Sa katunayan, sinabi ng kampo ni JDV, si Lim ay takdang ipagharap ng diskuwalipikasyon ni Jack Castañeda ng Integrated Bar of the Philippines dahil sa "massive vote buying."
"He has resorted to vote buying because he has grown desperate as there is no way he can win this election," sabi ni Castañeda.
Nabatid pa kay Castañeda na binayaran umano ni Lim ang mga barangay officials at libong residente ng P1,000, groceries, wall clocks na may mukha ni Lim, tinapay, de-lata, noodles at termos na galing sa supermarket warehouses nito.
Handa umanong iharap ng IBP-Pangasinan panel ang kanilang mga witness na magpapatunay na tumanggap nga ng pera, wall clocks, canned goods, tinapay at noodles ang libong households sa Dagupan City, Mangaldan, San Fabian, San Jacinto at Manaoag. (Malou Escudero)