Sinabi ni GO Spokesman Adel Tamano na ang pamimili ng boto ni de Venecia ay isang desperadong hakbang laban sa katunggali nitong si incumbent Dagupan City Mayor Benjie Lim na pambatong kandidatong kongresista ng GO sa Pangasinan.
Sinabi ni Tamano na inilahad ni Lim na namahagi umano ng tig-P30,000 sa bawat kapitan ng barangay; P5,000 sa kagawad; P100,000 halaga ng insurance sa mga barangay tanod at health workers; at tig P1,000 naman sa lahat ng empleyado ng lokal na pamahalaan sa Pangasinan.
Maging ang mga guro na magsisilbing Board of Election Inspectors sa eleksyon ay nabiyayaan din umano ng tig-P1,000 bawat isa sa nasabing vote buying.
Ayon kay Tamano, ibinuking ni Lim na isang tinukoy sa pangalang Serafica ang nagsisilbing "bag lady" ni De Venecia sa vote buying operations. Si Serafica rin umano ang humihingi ng mga pangalan sa mga principal ng mga guro na bibigyan ng pera para tiyakin ang panalo ng Speaker. (Joy Cantos)