Sinabi ni NPO officer-in-charge Marietta de Guzman na dinaya rin ng Best Forms Inc. ang gobyeno sa paggamit ng palsipikadong report, resibo at mga dokumento para makalikom ng salapi mula sa maanomalyang sistema.
Sa kanyang reklamo, sinabi ni de Guzman na gumamit ang Best Forms ng ordinaryong papel sa halip na security paper sa pag-iimprenta ng certificate of registration ng LTO mula 2002 hanggang 2006.
"Ang hindi awtorisado at ilegal na pagpapalit ng materials na ginawa ng Best Forms ay nagresulta ng pagkakabunyag ng transaksiyon ng LTO at naglagay sa mga ito sa panganib na madaya at nakapagpalugi sa gobyerno sa pagbabayad ng mas mataas na presyo ng materyales na siyang nakapaloob sa kontrata sa kompanya ng imprenta," ani de Guzman.
Sa hiwalay na imbestigasyong ginawa ng PNP Crime Lab at NBI ay nagpakita na bukod sa hindi pagtupad ng termino ng kontrata, ang Best Forms ay gumamit ng ordinaryong papel sa pag-iimprenta ng mga porma na mas mababa ang presyo kaysa security paper.
Kaugnay nito, sinabi ni LTO Executive Director Jimmy Pesigan na kailangang ibalik ng Best Forms ang P4,348.935.000 na halaga ng kanilang mga inihatid na porma. (Butch Quejada)