^

Bansa

Domestic airport sinagasa ng lady driver: 3 sugatan

-
Tatlong paalis na pasarhero ang nasugatan nang banggain ng isang van ang steel railing sa departure area ng Manila Domestic Airport [MDA] kahapon.

Nagtamo ng mga suFgat at galos sa katawan sina Rafael Maratag, Wilma Rosinas at Marvin Mantu_han mula sa basag na salamin na tinamaan ng natumbang railing. Nakilala naman ang driver ng Delica van [XKF 846] na si Leolyn Lacson.

Dinala sina Maratag at Rosinas sa San Juan De Dios Hospital samantalang si Mantuhan ay dinala sa medical clinic ng MDA.

Sa ulat ni Col. Jose Palencia, hepe ng 2nd Police Center for Aviation Security [PCAS] kay Col. Atilano Morada, director ng PNP-Aviation Security Group, dakong alas-8:30 ng umaga nang dumating sa airport si Lacson lulan ng kanyang van upang sunˇduin ang isang kamag-anak na paparating mula sa Bacolod City.

Nag-park si Lacson malapit sa arrival area subalit siya ay pinaalis ng security guard dahil ìNo Parking Areaî ang nasaˇbing lugar. Nang paandarin ni Lacson ang kanyang sasakyan bigla itong humarurot at sa halip na preno ay accelerator ang natapakan ng driver. Hindi na nakontrol ni Lacson ang sasakyan at tuloy-tuloy na bumangga sa railing.

Inamin ng driver na nataranta siya sa bilis ng mga pangyayari at handa niyang pana_gutan ang pinsalang kanyang naga#wa. Sasagutin din niya ang pagpapagamot sa mga biktima. (Butch Quejada)

ATILANO MORADA

AVIATION SECURITY

AVIATION SECURITY GROUP

BACOLOD CITY

BUTCH QUEJADA

JOSE PALENCIA

LACSON

LEOLYN LACSON

MANILA DOMESTIC AIRPORT

NO PARKING AREA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with