SARS fund ng Liga ng mga Barangay nawaldas
April 15, 2007 | 12:00am
Lumilitaw umano sa isang report ng House of Representatives committee on health-oversight sub-committee na pinangunguluhan ni Cong. Jeanette Garin na nawaldas ang P50 milyong ibinigay ng Philippine Charity Sweepstakes Office sa Liga ng mga Barangay para sa programa laban sa Severe Acute Respiratory Syndrome (SARS) noong 2004.
Sinasabi pa sa report na nagamit lang ng LMB ang naturang pondo sa pagbili ng cellphone, laptop computer, telebisyon, bisikleta, sticker, microphone at sa rehistrasyon ng mga sasakyan.
Pinuna rin ng komite na, batay na rin sa reklamo ng PCSO, walang maipakitang resibo ang mga opisyal ng LMB na pinamumunuan ni James Marty at walang natanggap na pondo ang mga lugar na kinakitaan ng senyales ng SARS tulad ng Ilocos Norte at Leyte.
Ayon sa mga barangay chairman, nararapat na maging mapagbantay ngayon ang publiko dahil sa inaasahang pagpapalabas ng pondo ng pamahalaan para sa sari-saring programa pagkatapos ng nalalapit na May elections kung saan makikilala na ang mga bagong lokal na opisyales. (Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest