Suplay ng tubig sa Munti tiniyak ni Biazon
April 14, 2007 | 12:00am
Tiniyak ni Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon na magkakaroon na ng malinis na suplay ng tubig ang may 300,000 kabahayan sa Muntinlupa at 3 pang lugar sa pagtatayo ng water reservoir sa lungsod sa susunod na taon.
Inihayag ni Biazon ang katiyakan matapos na magsagawa ng mga pampublikong pagdinig ang House Special Committee on Metro Manila Development na kanyang pina mumunuan ukol sa water reservoir.
Bukod sa Muntinlupa, makikinabang din sa water reservoir ang Paranaque, Las Pinas at ilang lugar sa Cavite. Ang water reservoir ay itatayo sa dalawang ektaryang lupa sa New Bilibid Prison. Batay sa pag-aaral ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS), ang NBP ang pinakamagandang lugar upang pagtayuan ng water reservoir.
Kapag natapos na, ang water reservoir ay makakapagsuplay ng 300 milyong litro ng tubig sa Muntinlupa at iba pang lugar. (Butch Quejada)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended