NPC binusisi ng APEC sa power rate sa isla

Nararanasan ngayon ng mga naninirahan sa 14 na isla sa iba’t ibang panig ng bansa ang epekto ng ipinapataw ng National Power Corporation na karadagang dalawang pisong singil sa bawat kilowatt hour na kuryenteng nagagamit.

"Ang tawag ng Napocor sa nasabing singil ay Socially Acceptable Generation Rate. Subalit ito ay hindi katangap-tanggap," pahayag ni Louie Corral, Secretary General ng party list group na Association of Philippine Electric Cooperatives.

Kinondena ni Corral ang Napocor sa walang pakundangang pagpataw ng SAGR. Ang mga pasabi sa mga pagdinig ng NPC ay nilalathala lang sa mga dyaryong walang sirkulasyon sa mga isla bukod sa hindi naipapaliwanag sa taumbayan ang mga teknikalidad sa naturang usapin. (Butch Quejada)

Show comments