Ayon kay John, isa sa senatorial candidate ng GO, hindi dapat tinanggal sa itinerary ng mga kandidato ang motorcade dahil mas marami silang naiikot at nakakaharap na tao.
Simula nang maupo ang senador bilang campaign manager at palitan si San Juan Mayor JV Ejercito, ipinatigil na ang pagsasagawa ng motorcade sa katwiran na kaunti lamang ang sumasamang kandidato ng GO.
Minabuti na lamang ni Sen. Osmeña na magsolo sa pangangampanya ang 11 kandidato ng GO upang sa gayon ay marami silang marating na lugar kaysa magsama-sama sa isang lugar.
"He is basically against the original approach of JV, which is motorcade. Ako pabor ako sa motorcade," anang dating mambabatas. Kinuwestiyon din nito kung bakit kinunan pa sila ng litrato at isang minutong statement kung hindi rin pala lalabas ang TV advertisement na ito.
Idinagdag pa nito na wala rin siyang nakikitang poster ng mga kandidato ng GO na nakadikit sa bawat itinatalagang common poster area ng Comelec. (Rudy Andal)