SWS ibinasura ng ABS-CBN!
April 13, 2007 | 12:00am
Wala na umanong tiwala ang ABS-CBN radio-TV network sa Social Weather Station (SWS) kaya kanilang tinanggal ito bilang polling partner sa May 14 polls, ayon kay Team Unity deputy spokesperson Tonypet Albano.
Sinabi ni Albano na humiwalay na ang TNS Trends, Inc. sa SWS sa pagbuo ng survey dahil may alinlangan umano ito sa kakayahan ng SWS na magsagawa ng kapani-paniwalang survey.
Ang TNS Trends, Inc., ay isa sa mga pangunahing market research and information group na may 14,000 empleyado sa buong mundo. Una itong nagtayo ng opisina sa Pilipinas noong 1983.
Dating gumagawa ng ground level work para sa SWS ang TNS Trends ngunit minabuti nitong makipag-ugnay sa ibang survey outfit matapos umanong magkaroon ng pagdududa sa kredibilidad ng SWS.
Sabi ni Albano, hindi na nakapagtataka kung bakit binitiwan sila ng ABS-CBN bilang kapareha sa paggawa ng exit poll sa darating na halalan. Pinili ng ABS-CBN na makipag-partner ngayon sa Pulse Asia sa paggawa ng exit poll.
Matinding binatikos ng mga polling experts ang lumabas na survey ng SWS kamakailan na pabor ang mga botante sa mga kandidato ng GO (Genuine Opposition) sa local level at sa mga kandidato sa pagka-senador, gayong walang kandidato ang oposisyon sa maraming lugar tsa bansa at karamihan sa maglalaban sa local level ay sa pagitan ng mga kandidato ng anim na partido na pawang kaanib sa pro-administration coalition.
Handa anya nilang bigyan ang SWS ng talaan ng mga pook na walang kaalyado ng GO sa mga local candidate.
Pinayuhan din ni Albano ang SWS na tigilan na ang pagpapalabas ng mga hindi kapani-paniwalang survey upang ehindi mabastos ang election sa bansa. (Malou Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest