Ayon kay Lacson, mas agresibong paghahatid ng serbisyo-publiko ang kanyang isasakatuparan katulad ng nagawa ng binuo niyang Kayang-Kaya ni Misis (KKM) na nagsimula sa ilang taong miyembro subalit sa pinakahuling pagtala ay umaabot na sa 10 libong kababaihan ang kasapi.
Sa kanyang pagsasalita sa mga kampanya, sinabi ni Lacson na panahon na para mabura sa mapa ng pulitika ang "peksman mentality" o puro napapakong pangako ng mga kandidato. Naniniwala si Lacson na sa pagsulong niya sa pulitika sa Malabon at Navotas ay magkakaroon ng kakaibang tatak ang public service. (Butch Quejada)