30 brand new multi-cabs bigay ni SB sa QCPD
April 12, 2007 | 12:00am
Upang patuloy na mabigyan ng proteksiyon ang mga residente ng Quezon City, mapanatili ang police visibility at patrol opera tions ay nag-donate ang lokal na pamahalaan ng siyudad ng karagdagang 30 brand-new multicabs para sa pulisya rito.
Personal na itinurn-over ni QC Mayor Feliciano "Sonny" Belmonte ang 30 symbolic keys ng nasabing mga multicabs kay QCPD Dir. P/SSupt. Magtanggol Gatdula.
Nabatid na noong mga nakaraang buwan ay 42 brand-new patrol cars din ang itinurn-over ni Belmonte sa kapulisan ng QC. Ito ay bilang tanda ng patuloy na magandang adhikain ng lokal na pamahalaan dito na mapanatili ang kapayapaan, kaayusan at masugpo ang kriminalidad.
Lubusang ikinatuwa naman ng pulisya ang nasabing hakbang ni Belmonte kung saan sinabi ni Gatdula na malaki ang maitutulong ng nasabing mga sasakyan sa pagpapanatili ng kapayapaan ng siyudad.
Batay sa list of priorities na nai-transfer ng lokal na pamahalaan ng Quezon City sa kapulisan dito ay umaabot na sa milyones na halaga ng mga bagong kagamitan ang naibigay sa mga huli na kinabibilangan ng long at short firearms, tactical armored vests, state-of-the-art bomb suit, portable explosive detector, x-ray system at explosive ordinance kit. (Rose Tamayo-Tesoro)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest