^

Bansa

Anak ng ex-mayor tiklo sa ‘hot car’

-
Isang anak ng dating mayor sa Pampanga ang nahuling nagmamaneho ng isang umano’y carnap na sasakyan, subalit sa halip na kasuhan ay pinakawalan umano ito.

Ayon kay Traffic Management Group (TMG) Chief Supt. Errol Pan, naharang ang sinasakyang hot car na Pajero ni Carmela Punzalan na may plate no.WTY-115 noong Marso 29,2007 sa Angeles, Pampanga.

Subalit hindi inasunto si Punzalan at pinakawalan ito samantalang inimpound na lamang ang Pajero dahil sa tampered ang serial number ng underchasis nito, gayundin peke ang plate number.

Nabatid na hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa sinasampahan ng kasong carnaping si Punzalan dahil umano sa anak ito ng dating alkalde ng Mexico, Pampanga na si Ernesto Punzalan.

Bukod dito, hindi pa rin umano nagpapalabas ang TMG Region 3 ng report tungkol sa naturang kaso dahil inaarbor umano ang kaso ng isang kilala at makapangyarihang pulitiko sa Pampanga.

Ayon naman kay Pan, on-going pa rin ang investigation sa nasabing kaso. (Gemma Amargo-Garcia)

vuukle comment

AYON

CARMELA PUNZALAN

CHIEF SUPT

ERNESTO PUNZALAN

ERROL PAN

GEMMA AMARGO-GARCIA

PAMPANGA

PUNZALAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with