^

Bansa

Oil companies may 10-araw para magpaliwanag sa oil depot

-
BAGUIO CITY - Binig yan ng 10 araw ng Supreme Court ang tatlong higanteng oil companies, Manila City government gayundin ang kumokontra sa pananatili ng oil depot sa Pandacan, Maynila upang maghain ng kanilang memoranda bago ito magdesisyon.

Sa ginanap na oral argument kahapon, sinabi ni Associate Justice Angelina Sandoval-Gutierrez na binigyan ng pagkakataon ng SC 1st Division ang kampo ng Shell, Petron at Caltex para ipaliwanag kung bakit hindi dapat ipatupad ang inaprubahang city ordinance 8027 na agarang nagpapaalis sa oil depot ng nabanggit na mga oil companies.

Ikinatwiran ng legal counsel ng mga kumpanya ng langis na kahit maging sentro raw ng mga terorista ang Pandacan oil depot ay hindi ito sasabog, na mariing kinontra naman ni Atty. Alcantara ng Social Justice System (SJS) Party-list kung saan ay inilarawan niya ang oil depot na isang "time bomb" na hindi lamang mga residente ng Pandacan ang maaapektuhan kundi pati ang Palasyo ng Malacanang na ilang metro lamang ang layo sa oil depot.

Sa panig naman ng Manila city government sa pamamagitan ni Atty. Melchor Monsod, nakahanda si Manila Mayor Lito Atienza na ipatupad ang agarang pagpapasara sa oil depot sa sandaling iutos ito ng High Tribunal. (Rudy Andal)

ASSOCIATE JUSTICE ANGELINA SANDOVAL-GUTIERREZ

HIGH TRIBUNAL

MANILA CITY

MANILA MAYOR LITO ATIENZA

MELCHOR MONSOD

OIL

PANDACAN

RUDY ANDAL

SOCIAL JUSTICE SYSTEM

SUPREME COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with