FG sumasailalim sa dialysis
April 12, 2007 | 12:00am
Isinailalim na sa dialysis kahapon si First Gentleman Mike Arroyo upang linisin ang kidney nito dahil na rin sa mahabang ope rasyon sa puso na tumagal ng 10 oras at blood transfusion.
Ayon sa attending physician nitong si Dr. Juliet Cervantes ng St. Luke’s Medical Center, isang espesyal na uri ng dialysis ang isinagawa sa Unang Ginoo, bagama’t gumagana pa rin ng maayos ang kidneys nito.
"It’s a special kind of dialysis, continuos dialysis. The kidneys are working," pahayag ni Dr. Cervantes.
Nabatid naman kay Dr. Ludgerio Torres, cardiologist at director ng Philippine Heart Center (PHC), apat na uri ng komplikasyon ang maaaring maging kaakibat ng mga pasyenteng sumailalim sa dissecting aortic anuerysm na isinagawa sa Unang Ginoo.
"The most immediate problem is bleeding. Pero mukhang nalampasan na ‘yon ni First Gentleman, the first 24 hours. The second is neurologic. Baka magmulat ang mata niya pero may motor deficit, like hindi maigalaw ang mga kamay. Parang minor stroke, that’s a possibility," pahayag ni Dr. Torres.
Posible rin umanong makakuha ng impeksiyon sa baga si FG dahil sa nakakabit na respirator na tumutulong sa kanyang paghinga.
"Then the other complication is kidney problem. Kung hihina ang kidneys niya in the coming days is something to be observed gawa ng hypertension," sabi pa ni Torres.Ayon naman kay Health Sec. Francisco Duque, ang mga pasyenteng 60 anyos pataas, may diabetes at hypertension ay may panganib na magkaroon ng dissecting aortic anuerysm.
Ang aortic anuerysm ay bunsod ng pagbabara ng aorta, ang pinakamalaking daluyan ng dugo patungo sa puso. Ang bara ay dulot ng mataas na cholesterol, high blood, diabetes at paninigarilyo.
Kung hindi maagapan, maaaring humantong sa permanenteng pagkabalda ng pasyente o pagkamatay.
Subalit maiiwasan ito sa pamamagitan ng healthy lifestyle gaya ng pagkain ng wasto at pag-iwas sa bisyo.
Nananatili pa rin si FG sa cardio-vascular recovery room ng ospital.
Kahapon ay dumating na rin sa bansa ang personal physician ni FG na si Alex Yap, na nagmula pa sa San Francisco at agad na nagtungo sa St. Luke’s upang personal na magbi gay ng moral support.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest