Bagong NPO chief inireklamo sa ‘kotong’
April 11, 2007 | 12:00am
Bagamat di pa opisyal na nakakaupo sa puwesto, inireklamo na ng "pangongotong" ang bagong hirang na hepe ng National Printing Office (NPO) na si Enrique Agana.
Pumalag umano ang mga pribadong printer na ipinatawag nito matapos umanong hingan ng malalaking halaga para sa isang anak ng mataas na opisyal sa Malacañang na tumatakbo sa halalan sa Mayo 14.
Ibinunyag ng isang printer na ayaw ipabanggit ang pangalan na dumalo sa pulong noong Martes na "kinikilan" ang mga printer nang halagang P3 milyon upang mapabilis ang kanyang pag-upo sa puwesto at bilang katuparan sa kanyang komitment sa tumatakbong anak ng mataas na opisyal ng Palasyo.
Aniya, si Faustino "Caloy" Datu, Jr., sales manager ng isang pribadong printer na nasibak ng NPO dahil sa umano’y katiwalian ang siyang nagsilbing spokesman ni Agana na nakaupo sa tabi niya at patangu-tango habang isinasalaysay umano ni Datu ang kahalagahan ng pondong kailangan ng bagong talagang opisyal.
Kasama umano ni Agana sa pakikipagpulong sina Atty. Sylvia Banda at Atty. Sim Mata, pawang nasibak na empleyado at consultant ng NPO at 10 kinatawan ng mga pribadong printer Holy Family, Tone Guide, Mercury, Wellprint, Western Visayas, Makati Image, Consolidated at mga nasibak na printer Best Forms, Earnest Printing at Easland Printink.
Anang printer, ipinagmalaki pa umano ni Agana na malakas ang kanyang koneksiyon sa Palasyo dahil "tingnan n’yo naman maski may ban sa mga appointment dahil sa eleksiyon, napapirmahan pa ang kanyang appointment kay GMA."
Ayon pa sa printer, sila ay nakatakdang magpulong sa Sabado upang ipasa ang isang bukas na liham kay Pangulong Arroyo na naglalayong ilantad ang umano’y "pangingikil" na ito ni Agana. (Butch Quejada)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended