Ex-parak tatakbong kongresista
April 9, 2007 | 12:00am
Tumatakbo bilang congressman sa ikalawang dis trito ng Taguig si Konsehal Jun Duenas na mas kilala bilang "crime buster" ng Taguig dahil sa kanyang operasyon laban sa iligal na droga at krimen sa lungsod.
Si Duenas ay naging pulis noong 1989 at napabilang sa Western Police District na kilala bilang Manila’s Finest." Siya ang ang nag-iisang pulis na humuli kay Buenaventura Daang, lider ng "Robin Padilla Gang" na may kagagawan ng pagnanakaw ng bangko at holdap noong 1990s. Siya rin ang nakahuli kay Manolo Garcia, isang drug pusher sa Maynila na kabilang sa "most wanted list."
Naging konsehal siya noong 2001 at ipinanukala niya ang ordinansang nagbabawal sa pagtatayo ng disco pub at motel sa loob ng 200-metrong layo mula sa mga kabahayan, simbahan, eskwelahan, ospital, police station at korte.
Siya din ang awtor ng ordinansa na nagtatag ng Taguig Mobile Patrol Group at Taguig Anti-Crime and Illegal Drugs Task Force.
Wika niya, ipaglalaban niya ang pagbibigay ng mas malaking pondo para sa mga ospital sa Taguig at pabahay para sa mahihirap kapag siya ay nahalal na kongresista.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest